sobrang saya last week! andaming mga naganap na happy accidents. lam mo yun, mga di naman sinasadyang mangyari, pero sobrang astig dahil nangyari sya at nag-iwan pa sya ng malupet na feeling after.
nung monday, nagkitakits kami ng birds. la yamsuan, ramon bautista at ino magno. bigla lang ang mga pangyayari. astig nga bilang nagyaya lang si la tapos nagpuntahan naman kami. mas ok talaga pag hindi pinaplano. tagal din naming hindi nagkitakits ng mga to.
tapos yung ping incident sa taumbayan last tuesday. di talaga ako dapat sasama kay alfred nun bilang may lakad dapat kami ni wap. pero nung paalis na kami ng opis, nagkatamaran na kami ni wap at ayun, sumama ako kina alfred at mohini. yun yung unang labas namin ni alfred pagkatapos ng more than one year na hindi pagkikita. mineet namin si micah, frend ni alfred. tapos bestfriend pala ni micah si ping, tas nalaman nyang mahal ko si ping, at ayun tinawagan nya. pumunta naman si ping sa taumbayan. hayhay grabe lang yung mga kaganapan pagdating ni ping. bilang mga direktor at artista at editor at DOP ang kasama ko, hindi ako nakaligtas sa panunukso nila. at bilang artista si ping, pinag-act nila kami kunwari ng isang eksena. hay grabe lang yung nagmemelt ako sa mga tingin ni ping. hahaha! di ko na ikukwento details, andami eh. basta sobrang saya lang nakabond ko si ping. astig sya bilang tao. grabe ilang araw din akong 'cant stop smiling mode' dahil sa kanya.
nung wensday naman, tomato kick mode ako with alfred and la. magkahiwalay na table nga lang, palipat lipat ako. grabe ansarap ng tinapesto! dun ko natikman ang pinakamasarap na pesto ever!
thursday nagedit ako sa runway tapos makati after. nagdinner kami ng andoks nina onin at eli at nic sa opis habang inaantay sina wap at jojo. nung dumating na yung dalawa, go go toyz naman kami bilang may tugtog dun si lei. answerte lang namin nung gabing yun bilang lahat ng mga kaganapan ay fumavor samin.
friday night naman, nagedit kami sa knowledge. bumabagyo nun at ang hirap makahanap ng taxi. nagtry sina alfred at japs pero nabigo sila. nung ako naman nag-attempt pumara ng taxi, ayun me tumigil agad. haha. pordat, dumiretso kami ni alfred kay tinz para kunin ang hiniram kong nurse outfit kay syrel (na by the way ay aksidente ko lang din nalaman kay peter dizon na may ganun pala sya). so yun, habang bumabagyo, nasa kalye juan kami nina tinz at alfred, kumakain ng uber sarap na sizzling tuna at bangus kare kare. grabe sobrang dabest yung kare kare! as in. di ako makaget-over. thanks guyst! lalo na sa support sa mga endeavors ko in life. hehe. diba tinz? at natuklasan ko pa nung gabing yun na yung apartment pala ni tinz yung pinagshootan ng mangatyanan. (nastarstruck sa bahay?!)
saturday humouse party kami sa bahay ni eli. sayang hindi gumana yung videoke pero keri lang, pumictorial na lang kami nang bonggang bongga.
kanina naman, monday morning, maaga ako nagising. naisip ko magjog sa UP. nung andun na ko, tinext ko si mike bilang naalala ko, niyaya nya ako dati tumakbo. in fairness naman game lang si mike kaya yun. nagkita kami dun at inattempt namin takbuhin yung ruta nya. kaso ambilis ko napagod, grrr! lakad takbo tuloy kami. buti na lang may dala syang bike, kaya umisang round kami sa oval na nagbabike ako, tumatakbo sya. sarap sa UP pag umaga! maulit nga. pero dapat mas may energy na ko para masabayan ko si mike. hehe.
isang happy accident din pala ang pagedit ko sa knowledge channel bilang si mike ang unang tinawagan ni alfred. hindi sya pwede kaya ayun, gumow naman ako. at dahil dun, sobrang hapi hapi joy joy ako sa knowledge. sobrang bait at saya ng mga tao. sabi nila rumegular raket na raw ako dun. hihi waynat? go lang ako.
hayhay. nilulook forward ko na ang mga magaganap sa week na to... sana makabond ko uli si ping. at magtuluy-tuloy na ang pagmumove forward ko in life. hehe. answerte ko andami kong kaibigan na tumutulong sakin sa iba't ibang aspeto. hayhay. ♥♥♥